8 anyos na batang babae nalunod sa kabubukas na resort sa Cavite

0
541

Tanza, Cavite. Nalunod ang isang 8 anyos na batang babae sa isang kabubukas na resort na Villa Excellance, Sitio Postema, Brgy. Sahud Ulan sa bayang ito kamakalawa.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Tanza Municipal Police Station na naliligo ang biktima kasama ang mga pinsan nito sa swimming pool na may lalim na 4-feet ng mangyari ang insidente.

Ayon sa salaysay ng ama ng biktima, masayang naglalaro sa swimming pool na apat na talampakan ang lalim at hindi niya namalayan na lumipat  ito sa mas malalim na swimming pool. Makaraan ang kalahating oras, hinanap ng ina ang bata ngunit hindi na ito makita sa buong resort. Nagpatulong sa lifeguard ang pamilya at doon nakita sa malalim na bahagi ng pool ang katawan ni Princess Jirah Peruda  Granada.

Nagsagawa ng cardio-pulmonary resuscitation ang mga rescuer sa biktima at isinugod dito sa Manas Medical Clinic ngunit idineklara itong dead on arrival.

Mabilis umano itong iniahon at isinugod sa Tanza medical Center subalit dead on arrival ito sa nasabing pagamutan.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.