8 impostor na media, arestado sa pangingikil

0
329

Calamba City, Laguna. Arestado sa lungsod na ito ang walong suspek na nagpanggap na media personality at nangikil sa may-ari ng isang perya.

Kinilala ni PCol Cecilio R. Ison Jr., Acting Director ng Laguna Provincial Police Office ang mga suspek na sina Anne Cortez, 32 anyos na residente ng Brgy San Isidro, Rodriguez; Eric Florez Floro, 32 anyos na residente ng Brgy San Isidro, Rodriguez Rizal; Rose Marie Malazarte, 53 anyos na online seller at residente ng Brgy San Jose, Montalban, Rizal; Benjamin Olino Javier Jr., 60 anyos na driver, at residente ng Brgy San Jose, Rodriguez Rizal; Theresa Dela Cruz Regaza, 27 anyos na online seller at residente ng Brgy San Isidro, Rodriguez, Rizal; Christoper Angeles Yu, 47 anyos, kinatawan ng media, at residente ng Brgy 464, Maynila; Efren Dela Cruz Regaza, 22 anyos na residente ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal at Rodamy Llamazares Prado, 27 anyos na residente ng Caloocan City.

Ayon sa ulat ng Calamba City Police Station (CPS), ang biktima na si Jinggoy M Cahanap, 34 anyos, may-ari ng single stander amusement ay humingi ng tulong ng pulisya.

Batay sa reklamo ng biktima siya ay nasa checkpoint sa Purok 1, Brgy. Paciano, Calamba City, Laguna bandang 1:30 ng madaling araw noong Hulyo 18, 2022, ng lapitan at hinarass siya ng mga suspek na sakay ng Toyota FX na nagpakilalang mga tauhan ng media. Diumano ay humihingi ang mga ito ng PhP8,000.00 weekly protection money at  pinagbantaan ang biktima na kapag tumanggi ito ay sapilitang isasara ang kanyang peryahan.

Nagtungo ang mga tauhan ng Calamba CPS sa lugar ng insidente upang i-validate ang nasabing ulat na nagresulta sa pagkaka aresto ng mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang ilang pekeng identification card at hinihinalang extortion money. Napag-alaman din na ang mga suspek ang nag-uulat ng maling impormasyon sa E-sumbong at PNP Info Text na ginagamit ang pangalan ng Calamba CPS at hepe ng Pulisya.

“We will investigate this matter. This is a rising concern which we must address to halt the modus operandi of these persons who are roaming around funfair business establishments to extort money in exchange for ‘the continuity of the business operations.’ These culprits are seemingly the same persons who are sending us (PNP) thru social media and our hotline numbers. We have started to launch operations to address these concerns,” ayon sa mensahe ni Ison.

“Hindi natin tino-tolerate ang mga modus operandi ng mga personalidad na katulad nito. Bukod pa rito, ang mga programa ng PNP katulad ng E-sumbong at PNP info text at mag hotlines ay para sa mga lehitimong reklamo o alalahanin ng ating mga kababayan na humihingi ng tulong sa pangseguridad, huwag itong gamitin ng kung sino man para kumita; kung hindi, hahabulin ka ng batas,” ayon naman kay PBGen Antonio C Yarra.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.