8 lugar, nasa alarming na 42-43 degrees celsius na heat index ngayong araw

0
471

Naglabas ng babala ang PAGASA kahapon, Abril 14 dahil sa matinding init na inaasahang mararanasan sa walong lugar sa bansa. Ayon sa huling forecast ng heat index ng PAGASA, aabot ito sa 42 hanggang 43 degrees Celsius sa mga sumusunod na lugar:

  • Dagupan City, Pangasinan – 42 degrees Celsius
  • Aparri, Cagayan – 42 degrees Celsius
  • Tuguegarao, Cagayan – 42 degrees Celsius
  • Puerto Princesa City, Palawan – 43 degrees Celsius
  • Aborlan, Palawan – 43 degrees Celsius
  • Dumangas, Iloilo – 42 degrees Celsius
  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur – 42 degrees Celsius
  • Cotabato City, Maguindanao – 42 degrees Celsius

Ang mga nabanggit na temperatura ay nagpapakita na ang init ay umabot na sa mapanganib na antas, ayon sa kategoryang “dangerous category” ng PAGASA. Sa ganitong kundisyon, mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng mga sakit tulad ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Ang publiko ay pinapayuhan na mag-ingat at magpatupad ng mga tamang hakbang upang maiwasan ang mga komplikasyon dulot ng matinding init. Manatili sa lilim, sumunod sa mga payo ng mga awtoridad sa kalusugan, at tiyaking umiinom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration.

Patuloy na nagbibigay ng updates ang PAGASA tungkol sa lagay ng panahon upang gabayan ang publiko sa pagharap sa matinding klima.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo