8 timbog sa Rizal drug bust; shabu na nagkakahalaga ng P774K nasamsam

0
193

Antipolo, Rizal.  Arestado noong Huwebes at Biyernes (Agosto 18 at 19) ang isang diumano ay lider ng sindikato ng droga at pitong iba pa matapos makuha sa kanila ang mahigit P774,000 halaga ng shabu sa dalawang buy-bust operation sa San Mateo bayan at Antipolo City sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa Police Regional Office Calabarzon, kinapkapan at hinaughog ng mga ahente ng anti-narcotics sina Stephen Dela Cruz, Jeffrey Salinas, at Alvin Pormalejo sa Brgy. Banaba sa nabanggit na bayan noong Huwebes gabi.

Nakumpiska mula sa suspek ang 12 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P340,000 sa Dangerous Drugs Board (DDB).

Tinukoy ulat na si Dela Cruz diumano ay lider ng isang grupong ipinangalan sa kanya na sangkot sa illegal drug trafficking.

Nahuli din ng San Mateo PNP sina Jessa Chica, Elvis Maragrag, at Christian Esmale sa isa pang sting operation sa Brgy. Maly.

Nakuha sa kanila ang 12 sachet ng shabu na tumitimbang ng 55.1 gramo na may DDB value na P374,680.

Tinutunton ng pulisya ang pinanggalingan ng iligal na droga na binebenta ng mga suspek.

Samantala, inaresto ng mga pulis sa Antipolo City sina Mark Dave Vilarde at John Nico Villamor sa dalawang magkahiwalay na operasyon noong Biyernes ng madaling araw.

Nakuha sa mga suspek ang siyam na sachet ng shabu na may pinagsamang DDB value na P60,516.

Nasa kustodiya ng pulisya ang mga nabanggit na suspek at nakatakdang ahumarap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.