800 na Batangueño, binakunahan sa Red Cross Bakuna Bus

0
267

San Nicolas, Batangas. Humigit kumulang na 800 residente sa bayang ito ang nabigyan ng bakuna ng Philippine Red Cross (PRC) sa ilalim ng programang Bakuna Bus kamakailan.

“Tuloy tuloy ang ating pagbabakuna sa Batangas. Katuwang ng local government unit ay mas mapabilis natin ang ating pagbabakuna at mararating ang malalayong lugar sa pamamagitan ng Bakuna Bus. Kapag lider at ang tao ang nagsama, lalabas ang galing ng Pilipino,” ayon kay PRC Chairman and CEO Sen. Dick Gordon.

Kasabay nito ay nagsagawa din ang PRC Batangas Chapter ng mass blood donation drive sa bayan ng Calatagan sa lalawigan ng Batangas. Nakolekta dito ang 36,450ml na dugo mula sa 81 donors.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.