9 na NPA, patay sa engkwentro sa Batangas

0
235

TUY, Batangas. Patay ang siyam na hinihinalang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa isang engkwentro sa Sitio Maligas, Barangay Bolbok, bayang ito noong Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng security patrol ang mga sundalo mula sa 59th Infantry (PROTECTOR) Battalion matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente tungkol sa pagkakaroon ng mga armadong rebelde sa lugar. Sa unang bakbakan, dalawang hindi pa kilalang miyembro ng NPA ang natagpuang patay. Nasamsam din ang isang M16 rifle, isang R4 rifle, isang Uzi sub-machine gun, at isang improvised hand grenade.

Pagkatapos ng tensyon, naganap ang ikalawang yugto ng engkwentro, kung saan isa pang miyembro ng NPA ang nasawi. Nakuha sa kanyaang isang Uzi sub-machine gun at iba pang kagamitan.

Walang naiulat na nasugatan sa hanay ng mga sundalo. Patuloy ang pagtugis sa iba pang mga teroristang CPP-NPA-NDF na nakatakas. Samantala, ang lokal na pamahalaan ng Tuy, sa pamumuno ni Mayor Jose Jecerell C. Cerrado, ay nagbigay ng agarang tulong sa mga apektadong pamilya na lumikas dahil sa insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.