90 baril, 89 suspek ang naaresto sa Batangas sa ilalim ng Comelec gun ban

0
261

Batangas City, Batangas. Iniulat ng Batangas Provincial Police Office na 90 baril at 89 na tao kabuuang bilang ng nahuli sa buong lalawigan ng Batangas sa ilalim ng Comelec Gun ban na nagtapos sa buong bansa kamakalawa.

Ang bayan ng Calatagan, Calaca at Lemery ang may pinakamaraming bilang ng baril na nakumpiska. Nakapagtala rin ng mga kaguluhan sa mga nabanggit na bayan bago sumapit ang ginanap na halalan, ayon kay PCol. Glicerio Cansilao, Batangas Provincial Police Director.

Sa pinakabagong datos ng PNP sa Calabarzon, ang lalawigan ng Batangas ang isa sa may maraming areas of concerned tuwing may halalan at karamihan sa mga lugar na ito ay may mga pribadong tao na nagmamay ari ng mga baril na walang kaukulang dokumento, dagdag pa ni Cansilao.

Idinagdag niya na ang mga inaresto ay bibigyan ng karampatang pagkakataon sa patas na pagdinig sa korte.    

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.