9,000 pulis at 2,000 traffic enforcers, ipinakalat sa Calabarzon

0
75

CAMP VICENTE LIM, Laguna. Tinatayang 9,000 pulis at 2,000 traffic enforcers ang inaasahang maide-deploy sa mga pampublikong lugar upang tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan sa pagdiriwang ng Semana Santa at summer vacation sa Calabarzon region.

Ayon kay Lt. Col. Chitadel Gaoiran, spokesperon ng Calabarzon police, mula sa limang tanggapang panlalawigan at Highway Patrol Group 4A, kasama ang mga tauhan ng BFP, militar, at libu-libong boluntaryong sibilyan, ipapadala ang mga ito sa kick-off ceremony sa Camp’s ground sa ngayon.

Dagdag pa niya, mananatili ang mga pulis mula sa iba’t ibang istasyon sa Calabarzon sa mga lugar ng pagsamba, tourist destinations, mga pasilidad, at pangunahing kalsada, habang ang HPG-Calabarzon personnel at mga volunteers ang mamamahala sa trapiko sa iba’t ibang pangunahing kalsada.

Sinabi naman ni Lt. Gen. Rhoderick Armamento, Area Police Command-Southern Luzon commander, na isinaaktibo nila ang PNP Memorandum Circular na may titulong “PNP Critical Incident Management Operation Procedures under Implan Security Coverage for Ligtas SumVac 2024”.

Sa kabuuan, mayroong 8,699 pulis na advance deployed, kasama na ang 3,795 sa Calabarzon, 1,004 sa Mimaropa, at 3,900 sa Bicol region, na magbabantay sa 1,045 na lugar ng Convergence at 332 transportation hubs.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.