93.5 DCG FM, handa ng umere sa serbisyo sa San Pablo City

0
494

San Pablo City, Laguna — Nakahanda na ang pagbubukas ng 93.5 DCG FM Radio San Pablo City sa ilalim ng DCG Radio-TV Network, isa sa matatag at kilalang broadcast networks sa Pilipinas na itinatag noong 1986 at pag-aari ng pamilya Ojeda.

Ayon sa mga opisyal, inaasahang maghahatid ang bagong istasyon ng napapanahon at makabuluhang balita, de-kalidad na musika, entertainment, at mga lokal na kuwento mula sa San Pablo at buong Southern Luzon.

Pangungunahan ang 93.5 FM ng beteranong broadcaster at pangulo ng DCG, si Joselito “Tito” A. Ojeda, kasama ang kanyang anak na dating Mayor ng Mulanay, Quezon na si JT Ojeda, at ang buong DCG DWTi Radio-TV Team mula sa Lucena City, Tayabas, Quezon, Batangas City, Lipa City, at San Pablo City.

Kasama sa network ang iba pang istasyon tulad ng DWTI 972 KHz Lucena, DWKI 95.1 FM Lucena, DZCT 105.3 FM Lucena, DWLD 88.7 FM Lipa, DWJI 95.9 FM Puerto Princesa, DYKB 96.5 FM Kalibo, DYKR 96.7 FM Bacolod, DYKR 90.3 FM Cagayan de Oro, at ngayon ay DCG 93.5 FM San Pablo City.

Ang bagong istasyon ay inilunsad sa ilalim ng konseptong “ROAD CASTER – Everywhere Brodkaster”, na naglalayong pag-ugnayin ang mga tagapakinig sa tama, totoo at napapanahong impormasyon, makabuluhang entertainment, at pagbibigay-boses sa lokal na mamamayan sa pamamagitan ng interactive programs at mobile broadcast.

Kasabay ng pagbubukas, isinagawa ang isang conference na may temang “ZOOM, ZOOM CALABARZON: In the Emerging Rise of Social Media as a Dominant Force in Information, Commerce, and Politics” sa Elle Casa Private Events & Pool, Metropolis Subdivision, Brgy. Bagong Bayan, San Pablo City.

Dinaluhan ang pagtitipon nina San Pablo City Mayor Arcadio “Najie” Gapangada, Jr., bilang special guest, at San Pablo City Information Officer Rolando Inciong, kasama ang mga opisyal at miyembro ng DCG Radio-TV Network. Mula sa San Pablo City, dumalo sina Keno Moreno, dating DJ ng DCG FM, Venus Funtanilla ng Tutubi News Magazine, at Dong Fullo, dating DJ ng DCG FM, Radyo Natin, at FMR Quezon na kasalukuyang administrator ng San Pablo Public Forum.

Ayon sa mga media expert, patuloy na nagbabago ang paraan ng pakikinig at pagkonsumo ng media sa digital age, kung saan maraming radio stations ang nagtatayo ng online presence at ginagamit ang social media upang mas mapalawak ang kanilang audience at makipag-ugnayan sa mas batang mga tagapakinig. Ang ganitong uri ng pagsasanib ng tradisyonal na radyo at digital platforms ay itinuturing na mahalaga upang manatiling relevant at kapaki-pakinabang sa makabagong panahon.

Ang 93.5 DCG FM San Pablo City ay inaasahang magiging bagong tahanan ng impormasyon, aliwan, at boses ng komunidad, kung saan magkakaisa ang mga negosyo, grupo, at organisasyon sa pagbabahagi ng balita at kuwento.

Dinaluhan ang pagtitipon nina San Pablo City Mayor Arcadio “Najie” Gapangada, Jr., bilang special guest, at San Pablo City Information Officer Rolando Inciong, kasama ang mga opisyal at miyembro ng DCG Radio-TV Network. Mula sa San Pablo City, dumalo sina Keno Moreno, dating DJ ng DCG FM, Venus Funtanilla ng Tutubi News Magazine, at Dong Fullo, dating DJ ng DCG FM, Radyo Natin, at FMR Quezon na kasalukuyang administrator ng San Pablo Public Forum.
Pinangunahan ni JT Ojeda, dating Mayor ng Mulanay, Quezon, ang talakayan sa isinagawang workshop meeting ng DCG DWTi Radio-TV, kasama ang beteranong broadcaster at DCG President na si Joselito ‘Tito’ A. Ojeda at ang buong DCG team mula Lucena City, Tayabas, Quezon, Batangas City, Lipa City, at San Pablo City.

Photo Credit: Dong Fullo / San Pablo Public Forum

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.