94% ng mga Pinoy, naniniwalang laganap ang korapsyon sa gobyerno

0
716

MAYNILA — Umabot sa 94 percent ng mga Pilipino ang naniniwalang laganap ang korapsyon sa pamahalaan, batay sa latest Pulse Asia survey na isinagawa noong December 2025.

Pinakamataas ang porsiyento ng mga respondent na nagsabing malawak ang korapsyon sa gobyerno sa Metro Manila at Visayas, kapwa may 96 percent, sinundan ng Mindanao na may 94 percent at Balance Luzon na may 93 percent.

Sa parehong survey, 74 percent ng mga adult respondent ang nagsabing patuloy na lumalala ang korapsyon sa pamahalaan sa nakalipas na 12 buwan. Mas mababa ito kumpara sa 85 percent na naitala sa Pulse Asia survey noong September 2025.

Samantala, 43 percent ng mga respondent ang naghayag ng “disagree” sa pahayag na ang korapsyon ay normal na bahagi ng Philippine politics, habang 41 percent naman ang “agree” sa naturang pananaw.

Ipinakita rin ng resulta na 58 percent ng mga residente sa Mindanao at 51 percent ng mga kabilang sa Class C ang hindi naniniwalang normal na bahagi ng Philippine politics ang korapsyon. Gayundin, 50 percent ng mga respondent mula sa Metro Manila at 48 percent sa Visayas ang may kaparehong pananaw.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo