PMSg Conde, magiliw na ‘Ateng Pulis’

0
487

Calauan, Laguna. Dahil bawal magsama ng sanggol sa mga polling place noong nakaraang halalan, nag volunteer na maging babysitter ang mga babaeng pulis para sa mga inang nais bumoto ngunit walang mapag iiwanan sa maliit nilang anak.

Isang halimbawa ng magiliw na Ateng Pulis si PMSg Suelyn A. Conde ng Calauan Municipal Police Station. Uuwi na sana at hindi na boboto ang isang ina ngunit kinuha ni Conde ang kanyang anak at inalagaan ito hanggang makatulog ang bata bago pa man matapos bumoto ang nagpasalamat na ina.

Maraming ina ang nakaboto ng maluwalhati sa buong bansa sa tulong ng mga Ateng Pulis na kagaya ni Ate Suelyn.

Si PMSg Suelyn A. Conde ay nagpapatulog ng bata habang ang ina nito ay bumoboto sa loob ng presinto. Photo credits: Shekinah Joy Pamatmat)
Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.