Naghahanda na ang PNP para sa proklamasyon ni BBM, Sara Duterte

0
276

Inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa proklamasyon ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at presumptive Vice President Sara Durete-Carpio, ayon kay PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon kanina. Sinabi rin ni De Leon na patuloy na babantayan ng PNP ang anumang mass gathering na maaaring mangyari dahil ang bansa ay lilipat na sa susunod na administrasyon.

“It’s still the election period, and we have a lot to do. The PNP will continue its monitoring, intelligence gathering, and other police functions to ensure a seamless and peaceful transition of power on June 30,” ayon kay de Leon.

Inaasahang maipoproklama si Marcos sa susunod na linggo matapos siyang makakuha ng mahigit 31 milyong boto habang ang kanyang pinakamalapit na karibal na si Vice President Leni Robredo, ay tumanggap ng mahigit 14 milyong boto mula sa 98.35 porsyento ng election returns mula sa Commission on Elections (Comelec) Transparency Media Server. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo