Add’l honoraria para sa mga guro, inaprubahan na ng Comelec

0
260

Ang mga gurong nagtrabaho bilang electoral boards (EBs) at nag-overtime noong Mayo 9 polls ay may karapatang tumanggap ng karagdagang honoraria na nagkakahalaga ng PHP2,000, ayon Comelec Commissioner George Garcia kahapon.

Sinabi ni Garcia na naaprubahan na ang karagdagang bayad.

“Tinutukoy lang namin ang mga presinto kung saan nag-malfunction ang mga makina at ang mga kawani na nagsilbi doon,” ayon sa kanya sa isang mensahe ng Viber. “Ito ay PHP2,000 sa kabuuan.”

Target ng Comelec na simulan ang pamamahagi ng karagdagang honoraria bago sumapit ang Mayo 25.

Bukod sa mga EB, ang mabibigyan ng karagdagang bayad ay ang mga support staff at technician.

Sinabi ni Garcia na ang karagdagang honoraria ay manggagaling sa pondo ng Comelec.

“Ang mahalaga, lahat ng nagtrabaho sa presinto ay makakakuha ng karagdagang suweldo,” dagdag niya.

Nauna rito, iminungkahi ni Garcia na bigyan ng dagdag na sahod ang mga gurong nagkaroon ng problema sa vote counting machines (VCM).

Iniulat niya na may 1,800 clustered precincts kung saan nag-malfunction ang VCM at may mga isyu sa secure digital (SD) card.

Ang mga gurong nagsilbi sa May 9 polls ay may tatanggap ng honorarium mula PHP8,000 hanggang PHP10,000. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.