Nakita sa PH ang kaso ng Omicron BA.4 subvariant

0
228

Natukoy sa Pilipinas ang subvariant ng Omicron BA.4 mula sa isang Filipino na galing sa Middle East noong Mayo 4.

Sa isang advisory noong Sabado, sinabi ng Department of Health (DOH) na ang positibong resulta ng pagsusuri para sa subvariant ay mula sa isang specimen na nakolekta noong Mayo 8. Ang lalaking pasyente ay asymptomatic.

Mula nang makumpirma ang kaso, nakipag-ugnayan na ang ahensya sa mga kaukulang local government units para ipatupad ang detection at isolation activities.

Nakikita ng DOH na itinuturing European ng Center for Disease Prevention and Control (ECDC) na variant of concern. ang Omicron BA.4.

“Habang ang ECDC ay walang naobserbahang anumang pagbabago sa kalubhaan para sa BA.4 kumpara sa iba pang mga subvariant ng Omicron, dapat tayong mag-ingat dahil ang mas mabilis na pagkalat nito ay hahantong sa pagtaas ng mga kaso na maaaring mapuno ang ating mga ospital at klinika,” ayon sa ahensya.

Sinabi ng DOH na mas mabilis kumalat ang Omicron BA.4 dahil sa “kakayahan na talunin nito ang immune protection na dulot ng naunang impeksyon at/o pagbabakuna, lalo na kung ito ay humina na sa paglipas ng panahon.”

“Lahat ng LGUs ay mahigpit na pinapayuhan na proactively hanapin ang mga hindi pa nabakunahan at ang mga karapat-dapat para sa boosters, at gawing madali ang pagkuha ng bakuna,” ayon sa DOH at hinimok din nito ang publiko na kumpletuhin na ang dosis ng kanilang bakuna.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.