Nagbukas ang US ng CDC PH office sa Maynila

0
353

Binuksan ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ngayong buwan ang isang bagong tanggapan sa Maynila bilang bahagi ng pangako nitong palakasin at palawakin ang umiiral na pakikipagtulungan nito sa Department of Health (DOH) upang isulong ang malawak na hanay ng mga pinagsasaluhang health priorities kabilang ang malakas na health security sa Asia.

Nagbalik tanaw din ng DOH at ng US Department of Health and Human Services (HHS) sa nilagdaang Memorandum of Understanding on Health and Medical Sciences na nakatuon sa pagpapataas ng tulungan sa pagitan ng United States at Pilipinas sa public health emergency preparedness and response; ang pag-iwas at pagkontrol sa mga  vaccine-preventable and communicable diseases;; at ang pag-iwas at pagkontrol sa mga hindi nakakahawang sakit.

Si Dr. Romel Lacson ang magsisilbi bilang unang Direktor ng CDC sa Pilipinas. Sa pakikipagtulungan sa mga kasosyo, ipatutupad ni Lacson ang mga programang pangkalusugan na suportado ng CDC at pangungunahan ang peer-to-peer na relasyon ng ahensya sa DOH upang matugunan ang mga pinagtutulungang prayoridad sa kalusugan.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.