Comelec: 10% ng honoraria ng mga manggagawa sa botohan hindi pa nakukubra

0
293

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes na 90 porsyento pa lamang ng mga miyembro ng electoral board (EB) ang nakatanggap ng kanilang honoraria mula sa poll body.

IPinararating ni Comelec Deputy Executive Director for Operations (DEDO) Teopisto Elnas sa ang mga natitirang miyembro ng EB na hindi pa nakukuha ang kanilang honoraria na magsadya sa Offices of the Election Officer (OEOs).

Sa ilalim ng batas, may 15 araw ang Comelec upang ayusin ang lahat ng obligasyon kabilang ang pagbabayad ng honorarium.

Samantala, sinabi ni Elnas na ang PHP2,000 karagdagang suweldo na inaprubahan ng Comelec en banc ay hindi kasama sa bayad na inilabas ng poll body para sa mga guro.

“As for the additional honoraria, we are still looking at the details, like how many are entitled and from which areas will we give additional honoraria,” dagdag niya.

HUmigit kumulang na 647,812 teaching at non-teaching personnel mula sa Department of Education (DepEd) ang nagsilbing poll workers noong Mayo 9.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.