113th PDA Annual Convention naging matagumpay

0
808

Ginanap sa SMX Convention Center sa Mall of Asia  noong May 16-20, 2022 ang 113th Philippine Dental Association Annual Convention sa pangunguna ni Pangulong Dr. Cheryl del Rosario Sandigan President 2022-2023. Ito  ang kauna unahang Hybrid Convention ng Philippine Dental Association dahil sa pandemya.

Noong nakaraang 111th at 112th PDA Annual  Convention pinagsama na ang convention, ito ay online dahil sa pabago bagong alert level ng IATF noong taong 2020 at 2021 sa term nina Past Pres. Dr. Alvin Laxamana at Immediate Past President Dr. Angelo Militante. 

Umabot 7,482 ang mga delegadong dentista ang nakilahok. Ang iba ay online at ang iba naman ay face to face. Dekalidad ang mga lecturer dahil nagmula pa ito sa ibang bansa.Kasama din ang mga kilalang lecturer dito sa Pilipinas. 

Mayroon ding mga dental traders para makabili at makapag upgrade ng dental instruments ang mga dumalong dentista. 

Naganap din dito ang pangalawang online Election sa pamumuno ni COMELEC Chair Dr. Alexis Arrojo, 2nd member Dr. Guissipe Tianco at 3rd member Dr. Dino Galvez noong May 18, 2022 kung saan ang nanalong mga kandidato ay sina Dr. Emmanuel Centeno bilang President-Elect, Dr. Ronnie Nuñez Exec. Vice President, Dr. Marie Jennifer Yalung VP North Luzon, Dr. Marriuse Chars Esquillo VP Luzon South, Dr. Xandro Raymond Dael VP Visayas, Dr. Albert De Guzman VP Mindanao, Dr, Iraida De Leon Treasurer, Dr. Jocelyn Manabat Auditor. 

Samantala nanguna pa rin bilang Board of Trustee for Luzon si Dr. Allan Banta, sinundan nina Dr. Rolando Jaime Aldecoa, Dr. Jonas Anoñuevo, Dr. Almira Abril-Olarte, Dr. Nathan Dacuan, Dr. Delia Ignacio-Barba, Dr. Viance Jane De Jesus at Dr. Ma. Auditha Dickson.

Sa Trustee for Visayas naman ay naihalal sina Dr. Lucilo Niñal at Dr. Anna Rose Trocio. Trustee for Mindanao Dr. Maria Felomena Ayado at Dr. Magdalena Reginaldo-Untalan. 

Naging matagumpay din ang ika 60th PDA House of Delegates sa pamumuno ni House Speaker Dr. Fernando See na ginanap noong May 17 and 19 sa Midas Hotel. Dito tinalakay ang mga batas at resolution para sa nabanggit na organisasyon at dito din ipiniprinoklama ang mga bagong opisyal na na nanalo sa election. 

Ginanap din ang PDA Awards sa Okada noong May 19, 2022 at pinarangalan ang mga natatanging leader at kinilala zng mga iba’t ibang committees.

President’s Night naman noong Mayo 20, 2022 sa Okada Manila kung saan nanumpa si Dr. Cheryl del Rosario bilang PDA President at lahat ng Chapter and Affiliate Presidents sa buong bansa. 

Hiling ng karamihan na magtuloy tuloy na ang ganitong convention dahil ibang iba talaga ang face to face assembly dahil dito nagkakaroon ng pagkakataon na makisalamuha ang mga kapwa dentista, dental traders at makarining ng lecture sa session hall.

Nagpasalamat ang bagong pangulo na si Dr. Cheryl del Rosario sa mga delegado, members, traders, sponsors at sa mga sumuporta sa 113th PDA Annual Convention na may temang PDA WITHIN REACH.

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.