DOH na magsagawa ng ‘4-door strategy’ para maiwasan ang monkeypox

0
326

Ipapatupad ng Department of Health ang four-door strategy upang maiwasan ang pagpasok ng monkeypox sa bansa, ayon DOH–Technical Advisory Group, Dr. Edsel Salvaña kahapon.

Ang four-door strategy  ay ang binuong balangkas ng National Emergency Operational Response Plan upang maiwasan at makontrol ang mga lumilitaw na nakakahawang sakit.

Sa isang televised public briefing, sinabi ng miyembro ng Salvaña na ang diskarte ay kinabibilangan ng Prevent, Detect, Isolate, Treat and Reintegrate (PDITR) approach.

Ayon kay Salvaña na magsisimula ito sa pagkontrol sa mga border at susundan ng iba pang mga hakbang — testing, contact tracing, pagsusuot ng mask, at pagbabakuna – mga katulad na paraan ng pag-iwas na isinasagawa ng gobyerno bilang tugon sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Ayon sa mga health experts, hindi nakamamatay ang monkeypox at mas madaling maiwasan ang pagkalat nito kumpara sa Covid-19.

Ang bakuna laban sa bulutong ay maaaring gamitin upang maiwasan ang monkeypox at may mga gamot para dito. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.