PCOL Rogarth Bolalacao Campo, itinalagang Acting Laguna PPO director

0
437

Sta. Cruz, Laguna.  Itinalaga si PCOL Rogarth Bolalacao Campo bilang bagong Laguna Police Office director sa isang turnover ceremony na ginanap sa bayang ito kahapon.

Sa nabanggit na seremonyas, nagbigay ng katiyakan si Campo na pamamahalaan niya sa abot ng kanyang makakaya at sa buong husay ang Laguna PPO. Ayon sa kanya ay ipagpapatuloy niya at higit pang paghuhusayin ang mga kapuri puring proyekto at programa ng Laguna PNP. 

Itinanghal din sa ginanap na seremonya ang mga parangal ng papalitang opisyal na si PCOL Serafin F. Petalio II. Iginawad sa kanya ni PBGEN Eliseo Cruz ang Medalya ng Kagalingan para sa kanyang bantog, karapat dapat at mahalaga niyang paglilingkod bilang provincial director ng Laguna PPO.

“Officers come and go as the PNP has ladderized system of promotion,” ayon naman sa mensahe ni PBGEN Cruz. Pinuri niya ang pamamalakad ng Laguna PPO sa ilalim ng pamumuno ni Petalio. “It is in the leadership and in the discipline among the ranks.” 

Si PCOL Campo ay dating regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – National Capital Region (NCR) Regional Field Unit (RFU).

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.