Nakatikim ka na ba ng saging na pula?

0
1846

Magsasaka ang aking mga magulang ngunit noong magkaisip ako ay kinagisnan ko na silang isang lihetimong agripreneur kung tawagin ngayon. May pwesto sila sa bayan ng San Pablo at ang tanging produkto na kanilang itinitinda ay saging. 

May mahigit na 1000 variety ng saging. Bata pa ako expose na ako sa iba’t ibang klase ng saging. Matagal na panahon na hindi ako nakakakita ng Red Musa o saging na murado. Ito yung klase ng saging na hindi pinapansin na sa pamilihan kaya siguro kakaunti na lang ang nagtatanim.

Taong 2007-2012 nagkaroon ako ng pagkakataon na  muli ipakilala sa merkado ang saging na Pula o Red Musa kung tawagin sa pamamagitan ng garden shows at exhibits sa UP at Quezon City.

Ang saging na pula ang isa sa pinadami ko sa aming farm. Ito ay talagang dinadayo ng mga taga iba’t ibang lugar at bumibili sila ng supang. Ang dating hindi na nakikita sa mercado at hindi na  pinapansin  na variety ng saging ay biglang nagkaroon ng market. 

Mahalaga ang pagbibigay ng impormasyon at pagbibigay ng kaalaman upang ma-appreciate ang kahalagahan ng isang pananim. Ang pagkain ng Morado Red Banana ay maraming benepisyo. Batay sa mga pag aaral anumang pagkain na may kulay na Pula ay maraming health benefits. Katumbas ng sustansya ng carrot ang taglay ng pulang saging.  

Nagtataglay ito ng vitamin C at beta-carotene kaysa ibang variety ng saging na ating nakagawian ng bilhin sa mga fruitstand. A katulad ng ibang uri ng saging mayamin din ito sa potassium, at vitamin B6. 

Malalaman natin kung hinog na ang red musa kapag ito ay malambot na. Maaari din itong kinakain hilaw – buo o chopped, at isama sa mga dessert at fruit salad, ngunit maaari ding i-bake, iprito, at i-toast.

Nakakatuwang isipin na ang muli naming pagpapakilala ng red banana sa mercado at mga garden shows ay naging daan upang muling bigyan halaga ang saging na ito. 

Kaya muli namin kayong ini-encourage na magtanim nito. Masarap ito at siksik sa laman, mayaman sa antioxidant at masustansya na kailangan ng ating katawan.

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.