P544-M halaga ng shabu nasabat sa Cavite ops, 5 arestado

0
280

Dasmariñas City, Cavite. Inaresto ng mga anti-narcotics operatives ang limang drug suspect at nasamsam mula sa kanila ang hinihinalang shabu na may tinatayang street value na PHP544 milyon sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Cavite noong nakaraang Huwebes, ayon sa mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni PDEA spokesperson Derrick Carreon na dalawa sa lima, na kinilalang sina Dominador Robasto Omega Jr. at Siegfred Omega Garcia, ay inaresto bansang alas-8 ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Narekober ng mga operatiba ng PDEA at Philippine National Police (PNP) ang 60 kg. ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P408 milyon ang street value, butane stove, kagamitan sa pagluluto, galon ng hindi kilalang kemikal, hugis-parihaba na plastic container na may puting crystalline substance, air purifier (ginagamit para sa pagtatago), iba’t ibang drug paraphernalia, cellphone, at mga identification card .

Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang dinala sa PDEA ang mga ebidensya na nakuha sa operasyon para sa dokumentasyon.

Sa isa pang bukod na operasyon, nakuha ng mga awtoridad ang 20 kg. ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P136 milyon ang street value mula kina Elaine Maningas, Ricardo Santillan, at Laurel de la Rosa sa General Trias, Cavite bandang alas-8 ng umaga noong Huwebes.

Nasamsam din ang PHP1,000 bill na ginamit bilang boodle money, apat na android phone, dalawang analog phone, at identification card.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.