Ilang beses ang tamang pagbisita sa ating Dentista? 

0
570

Ugali na nating mga Pilipino na bumisita lamang ng dentista kapag masakit na ang ngipin, umuuga na o kaya naman paga na o may inflammation na ang surrounding structures. 

Tandaan natin na kailangan tayong bumisita sa dentista kada anim na buwan upang ma-check ang ating ngipin at linisin (oral prophylaxis). Sa ganitong paraan maiiwasan natin ang tuluyang pagkasira at pag uga ng ating mga ngipin. Importante na regular na nasusuri kung may mga ngipin na may cavity o butas na kailangang mapastaan at kung  may plaque formation o tartar na dapat matanggal. 

Ang madalas na pagkain ng sugary foods ay isa sa mga dahilan kung bakit mabilis na nabubutas ang ngipin dahil sa humahalo ang bacteria ng bibig na nagbibigay ng acid formation o asido kaya mabilis na nasisira ang enamel o tinatawag na outer covering of the tooth. 

Ang enamel ang pinakamatigas na structure sa ating katawan, mas matigas pa ito sa buto o skeleton pero bakit nasisira agad ito? Dahil ito sa paghina ng enamel sanhi ng matatamis na pagkain na hindi agad nalilinis sa pagmumumog o kaya naman ay di kaagad nasisipilyuhan upang maalis ang nakadikit na asukal sa ating mga ngipin.

Ang Philippine Dental Association ay patuloy na nagpapaalala sa publiko sa kanilang adbokasiya na iwasan ang madalas na pagkain ng matatamis, palaging magsipilyo ng tama at gumamit ng dental floss. 

Ang pamumula ng gilagid at pag uga naman ng ngipin ay sanhi ng plaque formation na naipon dahil hindi natanggal ng maayos sa pamamagitan ng tamang pagsisipilyo. Ito ay tumitigas hanggang sa hindi na kayang tanggalin ng ordinary toothbrush at kailangan na itong gamitan ng scaler o panglinis ng mga dentista. 

Kaya naman ang pasyente ay kailangang bumisita ng dentista kada anim na buwan bilang maintenance. Kung naka braces naman ay kada ikatlo hanggang ikaapat na linggo para magkaroon ng adjustment sa pagpapagalaw ng ngipin. 

Ang orthodontics o braces ay isang dental procedure kung saan itinatama ang mga sungki at maling kagat. Meron ding weekly ang pagbisita kung advance na ang kaso kagaya ng periodontal disease o maraming ngipin ang umuuga dahil kailangan na itong i-root scaling o root planing kung saan nililinis hanggang sa ugat ng ngipin at kinukuhanan ng panoramic x-ray para masuri ang bone support kung kaya pang masagip ang ngipin at buto.

Nilalagyan ito ng pampamanhid o anesthesia at ito ay ginagawa per quadrant ibig sabihin sa isang side lamang halimbawa upper left or lower left kada appointment. 

Kaya patuloy ang aking paalala bilang inyong dentista na bumisita sa mga dental clinic kada anim na buwan upang maiwasan ang pagkabungi at paghantong sa TMJ Disorder o Temporomandibular joint disorder kung saan sumasakit ang ating ulo, mukha, tenga, mata, batok, likod, at iba’t ibang parte ng ating katawan kung hindi ito kagaad malalagyan ng anumang artificial teeth. 

Ayon nga sa isang kasabihan,  “prevention is better than cure” at “dentistry is not expensive, negligence is” 

Panoorin po natin ang vlog sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.