Nag-remit ang LTFRB ng P1.17-B fuel subsidy sa 180K PUV operators

0
317

Mahigit 180,000 operator ng public utility vehicles (PUV) ang nakatanggap na ng kanilang one-time fuel subsidy mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ng LTFRB na kabuuang PHP1,170,396,500 ang nai-remit sa 180,061 PUV operators—bawat isa ay tumatanggap ng PHP6,500 sa pamamagitan ng cash card mula noong Hunyo 1.

Sa ngayon, nasa kabuuang 84,157 PUV operators ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang bahagi sa subsidy ng gobyerno.

Sa mga hindi pa nakakatanggap ng cash grant, sinabi ng LTFRB na 57,841 benepisyaryo ang pinoproseso ng Landbank of the Philippines para sa agarang remittance.

Ang fuel subsidy program ay proyekto ng gobyerno sa pangunguna ng LTFRB at Department of Transportation na may layuning pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang bilihin sa sektor ng pampublikong sasakyan. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo