Naghahanda ng 25-km fun bike Charity Ride 1 ang San Pablo City PNP- Advisory Council

0
796

San Pablo City, Laguna. Aarangkada sa Hunyo 18, 2022 sa ganap na 5:00 ng umaga sa Paseo de San Pablo sa Brgy. San Jose sa lungsod na ito ang unang 24 kilometer Charity Ride 1, isang cycling event bilang hudyat ng paglulunsad ng grupong San Pablo City PNP- Advisory Council ang Lingkod Mamamayan- Anak Kalikasan Bike Group.

Ang binuong grupo ay inaasahang tutulong sa mga programa ng San Pablo City Police Office, ayon kay Sports Sector Advisory Council Representative, Janquil Bumagat.  

Isinusulong din ng nabanggit na grupo ang pangangalaga sa kalikasan at healthy and active lifestyle. Palalakasin din nito ang pagbibisikleta bilang alternatibong transportasyon sa gitna ng mga isyu sa polusyon at patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo,” dagdag ni Bumagat.

Layunin ng  Charity Ride 1 na makalikom ng mga donasyon ng pagkain, activity materials para sa mga bata  at toiletries mula sa mga kalahok at supporters ng gaganaping proyekto.

Kabilang sa mga sumusuporta dito angPublishers Association of the Philippines sa pangunguna ni PAPI President Emeritus Juan O. Dayang at PAPI incumber president Nelson Santos, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas-Calabarzon na ikinatawan ni Roy Bato,  National Womens Federation of the Philippines na ikinatawan ni Eva Ticzon at SPARC Riders sa pangunguna ni Kenn Belulia.

Inaanyayahan ng mga cycling enthusiasts sa lahat ng dako ng Calabarzon na lumahok sa nabanggit na charity fun bike ride.

Ang San Pablo City PNP- Advisory Council ang Lingkod Mamamayan ay itinataguyod nina San Pablo City Advisory Council Chairman Romeo Race at San Pablo City CPS Chief PLTCol Garry C. Alegre.

Rota ng 25 kilometrong charity fun bike ride ng San Pablo City PNP- Advisory Council ang Lingkod Mamamayan- Anak Kalikasan Bike Group na gaganapin sa Hunyo 18, 2022 sa ganap na 5:00 ng umaga sa Paseo de San Pablo sa Brgy. San Jose.
Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.