Buntis na scammer arestado sa entrapment ops

0
441

Antipolo City, Rizal. Inaresto ng mga tauhan ng Antipolo City Police Office (CPO) ang isang babaeng buntis habang tinatanggap nito ang P100,000 libong pisong halaga ng marked money sa isang entrapment operation sa loob ng isang fast food chain sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ni PCol. Jun Paolo Abarazado, hepe ng Antipolo CPO ang suspect ay si Riza Baderan Escuton, 26 taong gulang na buntis at residente ng Poblacion, Antipolo, city. 

Inireklamo si Escuton ng mahigit sa 50 katao na natangayan nito ng mahigit 1 milyong piso kapalit ng bigas na triple umano ang baba ng presyo kumpara sa mga nabibili sa mga palengke, ayon sa mg salaysay ng mga biktima.

Kabilang sa mga biktima sina Josephine Plarisan, Rio Azurin at Grace Aristo, at 50 iba pang dealer ng bigas na naloko ni Escuton na bebentahan sila ng first class na bigas sa halagang 500 piso ang isang sako. 

“Noong una ay maayos na naide-deliver ni Escuton ang order naming bigas pero noong dumami na ang mga nakunan niya ng pera ay hindi na dumating dahil sa dami ng nasagutan niya,” ayon sa isang biktima.

Kahapon dakong ika- 10 ng umaga isang rice dealer ang umaktong oorder ng bigas dala ang halagang pambayad sa 50 sako. Inaresto ng mga pulis ang suspek matapos tanggapin nito ang marked money.

Sa himpilan ng pulisya 20 iba pang biktima ang naghihintay kay Escuton upang  magsampa ng kaso laban sa kanya. 

Nahaharap sa kasong large scale estafa ang suspect at inirekomenda ng pulisya na huwag itong makapag piyansa.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.