Nagbabala ang PPA sa publiko laban sa ‘package scam’

0
366

Nagbabala ang Philippine Ports Authority (PPA) kanina sa publiko sa mga taong nagpapanggap bilang mga PPA agents at humihingi ng pera para sa pagproseso ng mga pekeng pakete mula sa ibang bansa.

Sa isang pampublikong advisory, sinabi ng PPA na ang ksangkot sa scam ang mga taong nagpapanggap na nagtatrabaho sa PPA at nagpapakita ng pekeng sales invoice sa kanilang mga target upang patunayan na mayroon silang package mula sa ibang bansa.

“Hihingi ng malaking halaga ang mga ito para diumano punan ang mga serbisyo at ekwipo na ginamit sa pantalan kasama na ang duties and taxes ng bagahe upang mailabas na sa pantalan at madala sa kanilang mga tahanan,” ayon sa PPA.

Sinabi nila na ang PPA ay hindi nakikipag transaksyon sa mga humahawak ng package o mga kumpanya ng logistics na humahawak ng mga package na dumadaan sa mga port ng PPA.

“Ugaliing maging mapanuri. Maging maingat laban sa ganitong klase ng pananamantala,” dagdag pa ng PPA.

Para sa anumang katanungan o alalahanin, nag aanyaya ang PPA sa publiko na makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng PPA Facebook page portsauthorityph at sa Twitter @pports. (PNA)

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.