Hydroponic fodder production itinutulak ng DA upang makatipid sa imported feedstuff

0
554

Pumalo sa pinakamataas ang presyo ng pagkain sa buong mundo sa unang quarter ng kasalukuyang taon dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagbunsod sa Department of Agriculture (DA) na palakasin ang hydroponic fodder system,  isang teknolohiya na magbibigay-daan sa magsasaka upang magtanim at mag-ani ng mga feedstuff sa loob ng isang linggo.

“In this trying time, more than ever, we need to galvanize the scientific community to produce the technologies that will help our farmers save on cost without compromising the quality of their produce. This ‘feednovation’ study conducted by the International Training Center on Pig Husbandry (ITCPH) of the DA-Agricultural Training Institute (ATI) involves a hydroponic fodder system that is both cost-effective and sustainable for livestock and poultry feed production,” ayon kay agriculture secretary William Dar.

“In this trying time, more than ever, we need to galvanize the scientific community to produce the technologies that will help our farmers save on cost without compromising the quality of their produce,” said agriculture secretary William Dar.

Ayon kay Dr. Ruth Miclat-Sonaco, hepe ng DA- ITCPH at direktor ng programa ng National Livestock Program (NLP), ang pag-aaral ay isinagawa sa paghahanap ng mga posibleng solusyon upang mapababa ang halaga ng animal feeds sapagkat ang feeds ay binubuo ng 70-80 porsyento ng halaga ng produksyon ng karne ng baboy.

“Sa pamamagitan ng hydroponics, makakapag-produce tayo ng locally-sourced fodder crops gaya ng mais at munggo bilang pagkain ng baboy sa loob ng pitong araw. Ang fodder hydroponics ay nakikita rin bilang isang sagot sa mga nais pumasok sa produksyon ng hayop ngunit may limitadong lugar upang magtanim ng fodder. Nangangahulugan ito ng pang-ekonomiyang paggamit ng lupa habang pinabababa ang halaga ng feed ng mga hayop,” dagdag pa ni Sonaco.

Walang gagamitan ng kuryente sa hydroponic fodder system. Pagkatapos lamang ng pitong araw, ang kumpay ay aalisin sa tray at maaari ng ipakain sa hayop. Dahil halos lahat ay kinakain ng hayop, walang masasayang kaya cost-effective ito at sustainable, ayon sa paliwanag.

Batay sa mga resulta ng ATI-ITCPH, nakita na ang ikatlong bahagi ng mga kinakailangan sa pagpapakain para sa mga starter pig ay maaaring palitan ng hydroponic fodder nang walang negatibong epekto sa paglaki. Ang halaga ng feed ay bababa din kapag ang hydroponic fodder ang ginagamit na suplementong pagkain ng mga baboy.

Idinagdag din ni Sonaco na sa paghahambing ng halaga ng feed, ang supplementing hydroponic fodder sa rate na 1/3 ng kabuuang konsumo ay mas mura pa rin kumpara sa 100 percent conventional feeds, na P444.96 versus P590.00.

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.