DTI 4-A magtatampok ng mga produkto ng CALABARZON sa Makati City

0
914

Inaanyayahan ng DTI 4-A ang lahat na bumisita sa KALAKAL CALABARZON 2022 at pumili mula sa iba’t ibang uri ng personal na regalo, consumer goods, handicrafts, home decor, textiles, fashion, at iba pang lokal na disenyo at mga kalakal. Para sa karagdagang detalye tungkol sa fair, mangyaring makipag-ugnayan sa Opisina sa r04a@dti.gov.ph (DTI-4A)

Magdadaos ng taunang KALAKAL CALABARZON regional trade fair ang Department of Trade and Industry Region 4-A sa temang “Gawa ng CALABARZON; Galing ng CALABARZON,” sa darating na Hunyo 20-26, 2022 sa Palm Drive Activity Center, Glorietta 2, Ayala Center, Makati City.

Katuwang dito ang DTI’s Provincial Offices ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

Sa pagpapatibay ng DTI-Bureau of Domestic Trade Promotion (BDTP) drive sa pagtataguyod at pagsuporta sa lokal na micro, small, and medium enterprises, ang KALAKAL ay magpapakita ng mga produkto mula sa 66 MSMEs mula sa rehiyon.

Ang mga CALABARZON MSME na ito ay mga benepisyaryo ng iba’t ibang mga interbensyon ng DTI sa ilalim ng pagtangkilik ng SME Development Division tulad ng One Town, One Product (OTOP) NextGen program, Shared Service Facilities (SSF) program, Kapatid Mentor ME (KMME) program, at Comprehensive Agrarian Reform (CARP) program, na nagbigay-daan sa kanila na pagbutihin at pagandahin ang kalidad, disenyo, at marketability ng kanilang mga produkto.

“After two years of conducting KALAKAL CALABARZON online due to the pandemic, we are thrilled to once again conduct a physical trade fair this year, and it will be held in Makati City for the first time. We have so many exciting things in store for our buyers. As we continue to provide a venue for promotion and selling of our MSMEs’ products and services, we are asking the public for your support to our local entrepreneurs to help them recover and sustain their businesses,” ayon kay DTI 4-A OIC-Regional Director Marissa C. Argente.

Sa unang pagkakataon ay gaganapin ito sa Makati City. Nangako ang ahensya ng maraming ‘Exciting” na bagay na nakalaan para sa mga mamimili. “Sa patuloy naming pagbibigay ng lugar para sa promosyon at pagbebenta ng mga produkto at serbisyo ng aming MSMEs, hinihiling namin sa publiko ang inyong suporta sa aming mga lokal na negosyante upang matulungan silang makabangon at mapanatili ang kanilang mga negosyo,” ayon kay DTI 4-A OIC-Regional Director Marissa C. Argente.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.