Dating pulis na wanted sa kasong homicide nahuli sa Rizal

0
386

Taytay, Rizal. Inaresto ng mga miyembro ng anti-scalawag unit ng Philippine National Police (PNP) ang isang dismissed police officer na wanted sa kasong homicide sa Taytay, Rizal noong Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Luis Jomok III sa operasyon sa Barangay Dolores dakong 11:27 ng umaga, ayon sa pahayag kanina ni Brig. Gen Samuel Nacion, hepe ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).

Ang suspek ay may standing arrest warrant na inisyu ng Pasay City Regional Trial Court noong Setyembre ng nakaraang taon dahil sa pagkakasangkot nito sa insidente ng pamamaril noong Agosto 2008 na nagresulta sa pagkamatay ng biktimang si Billy Lozada.

Noong Hunyo 3, sinabi ni Nacion na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na nakita ang suspek sa nabanggit na barangay at agad nilang bineberipika.

Dagdag pa niya, noong Hunyo 4, namataan ang suspek sa kanyang tindahan batay sa impormasyon ng mga kapitbahay.

“During his arrest, PSSg Luis M Jomok III even offered PHP2 million as bribe money to the arresting personnel in exchange for not effecting the arrest. Hence, we will be filing a complaint against the suspect for violating Article 212, Corruption of Public Officials of the Revised Penal Code, for his attempt to bribe our personnel.” ayon kay Nacion.

Dinala ang suspek sa PNP IMEG headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.