Suspek na kasama sa drug watchlist arestado: PHP197,000 illegal drugs nakumpiska

0
306

Sta. Cruz, Laguna. Arestado sa isang buy-bust operations ng Laguna PNP ang isang suspek na kasama sa watchlist Street Level Individual (SLI) at nasamsam sa kanya ang PHP197,000 na halaga ng illegal drugs.

Ayon sa ulat ni Acting Provincial Director, Police Colonel Cecilio R. Ison Jr. kay CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Antonio C. Yarra, ikinasa kahapon ng Santa Cruz Municipal Police Station (MPS) ang isang drug buy-bust operations sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Paterno L. Domondon Jr, Chief of Police at nadakip si Eric Delos Santos, 41 anyos, na residente ng Brgy. Sto. Angel Sur sa nabanggit na bayan, sa aktong nagbebenta ng iligal na droga sa pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng 1,000 pesos.

Nakumpiska sa kanya ang siyam na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 29 gramo na may street value na humigit kumulang na PHP197,200.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa custodial facility ng Santa Cruz MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.