Engkwentro ng AFP at NPA sa Quezon; isang sundalo sugatan

0
316

Infanta, Quezon. Sugatan ang isang miyembro ng Philippine Army matapos ang isang engkwentro laban mga rebeldeng grupo sa bayang ito.

Kinilala ang nasugatan na si Staff Sergeant Alex Ayupan, 43-anyos, naka-assign sa 1IB 2ID Brgy. Tongohin, Infanta, Quezon.

Ayon sa ulat mula sa Quezon Police Provincial Office, nakatanggap ng impormasyon ang mga sundalo tungkol sa apat na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na may dalang sako na may lamang mga baril.

Ayon kay Col. Dennis, Caña, Public Information Officer ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines, nilapitan ng mga sundalo ng Philippine Army na sina SSg. Charnelo Valor at PFC Rapol ang apat na hindi pa nakikilala at hinihinalang miyembro ng NPA na may dalang sako at tinanong ngunit narindi ang mga ito kung kaya at  nagsitakbo ang tatlo at nagpaputok ng baril ang isa pa at tinamaan ni Ayupan sa kaliwang dibdib. Matapos ito ay nagpalitan ng putok ang magkabilang panig.

Naiwan ng mga suspek ang bitbit na sako at nakita na naglalaman ito ng mga personal na bagay kagaya ng bag, cellphone at food supplies. Hinihinala ang apat ay miyembro ng finance group ng New People’s Army na nakakaalam ng paniningil ng ‘revolutionay tax.’ Nakita din sa sako ang isang internal hard drive na isasailalim sa pagsisiyasat, ayon kay Caña.

Dinala sa ospital ang nasugatang sundalo habang patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente.

Photo credits: PIO Southern Luzon Command AFP

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.