Sumuko ang 3 rebeldeng NPA sa lalawigan ng Quezon

0
259

Lopez, Quezon. Sumuko ang tatlong komunistang terorista ng New People’s Army (NPA) sa 85th Infantry Battalion sa sa bayang ito noong Martes, ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) .

Sa isang pahayag noong Miyerkules ng hapon, sinabi ni AFP public affairs office chief Col. Jorry Baclor, na ang tatlong NPA, na hindi binanggit ang mga pangalan dahil sa seguridad ay nagsuko rin ang isang M-14 automatic rifle at isang carbine na may mga bala.

Sinabi ni Baclor na ang MSWD Office ay nagbigay na sa mga sumuko ng tulong pinansyal at mga gamit at kagamitan sa pagsasaka.

Nag-alok din ang municipal mayor ng libreng edukasyon, kabuhayan, at tulong na pabahay sa mga dating rebelde.

Pinoproseso na ngayon ng mga ahensya ng gobyerno ang mga kinakailangang dokumento para maisali sila at ang kanilang mga benepisyaryo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

“The AFP meanwhile is continuously intensifying all efforts to encourage the remaining CNTs (communist NPA terrorists) to return to the government fold, avail of the E-CLIP benefits and become productive citizens,” ayon kay Baclor.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.