Girasoles Farm, bagong tourist destination sa Quezon

0
802

Ang bawat tagumpay ng kabuhayan ng isang pamilya ay nasa pagtutulungan ng mag asawa. Hayaan ninyong ikwento ko sa inyo ang isang makulay na buhay farmer ng isang mag asawa at harinawa ay mapagkunan natin sila ng inspirasyon. 

Ang mag asawang Rodolfo at Mavivian Dean ay binisita natin at kinapanayam. Sila ang owner ng Girasoles Farm-Angel’s Sunflower Field na isa sa dinarayo sa Candelaria, Quezon. Ang Girasoles ay salitang Italian na ang kahulugan ay sunflowers.

Sa panahon ng pandemic na halos lahat ng tao ay nakulong sa kanya kanyang tahanan noong nakaraang dalawang taon, nararapat lamang na makakita ng ibat ibang pasyalan ngayon na tayo ay may kalayaan ng makapasyal sa magagandang lugar.  Isa na dito ang Girasoles Farm na talaga namang  nakaliligayang pasyalan at dapat nating suportahan dahil local. 

Ang Girasoles ay salitang Italian na ang kahulugan ay SUNFLOWER! 

Ang may ari nito na si Rodolfo ay graduate ng B. S agriculture at naging empleyado sa isang seed company sa loob ng 23 years.  Si Vivian naman ay graduate ng Midwifery ngunit mahilig talagang magbenta ng mga halaman. Noong 2021, sa gitna ng pandemic ay nag decide si Rodolfo na magresign para tulungan ang kanyang misis sa operations ng Girasoles. 

Ten years ago pa, plano na nilang tayuan ng bahay at taniman ng mga puno at gulay ang kanilang isang ektaryang lupa. 

Dahil sa sya nga ay nasa Field ng sales at marketing for more than 20 years sa isang seed company, binuksan niya ang sunflower farm upang makatulong sa kanyang trabaho.

naramdaman niya ang stress ng taunang paglaki ng kota sa benta. Napagod siya sa pressure ng mga pagsisikap na makapagbenta ng malaki. Kaya naisip nila na itayo ang sunflower farm na makakalikha ng ingay atusap usapan.

Napili ng seed company na kanyang pinagtatrabahuhan ang kanyang lugar upang  taniman at mag showcase ng daan daang variety ng annuals flowers. Idinisenyo ng isang registered landscape architect ang nabanggit na farm. Nagkakaroon dito ng flower festival sa temang Selected Philippine Festival. Six months lang ang kontrata nito kaya  after 6 months ay ibabalik na sa kanila ang operation ng farm. Sa kasamaang palad, inabutan ito ng ng lockdown. Sa kabila nito, nagdesisyon a ng mag asawang Dean na ipagpatuloy ang mga nasimulan sa loob ng Girasoles  gaya ng Pahiyas festival ng  Lucban, Flores de Mayo, Carabao festival, hot air balloon at iba pa. Ang lugar ngayon ay hindi lang nagpapakita ng mga flowering plants.  Meron din silang mga alagang hayop gaya ng Rabbit at chicken. 

Malaking tulong saw ang plantitas at plantitos noong panahon ng lockdown. Ang kanilang farm ay hindi lang ornamental plants ang nakatanim. May mga gulay din. Binigyan sila ng permiso ng kanilang barangay  at local government ng Candelaria na mag deliver ng mga gulay. Nakatulong ito sa kanilang walong tauhan dahil patuloy silang nabigyan ng trabaho. Sa ngayon ay may 18 na silang tauhan. 

Malaking tulong din sa kanilang promotion ang social media kabilang ang mga vloggers at mga bisitang nagse-selfie na may thousands of friends sa Facebook at instagram at million followers sa Tiktok. Bukod pa dito ang word of mouth advertisement.

Ang Girasoles ay dinarayo  rin para  maging prenup at venue ng mga weddings. Sa ngayon  ay may restaurant na sila sa loob ng farm. Madami pa silang plano gaya ng swimming pool at mga accomodation rooms sa loob ng farm upang patuloy na mag-generate ng income at maging sustainable ang kanilang farm. 

Alam naman natin na hindi buong taon ay malakas ang tourism industry. Mahalaga talagang laging mag isip ng mga bagong inobasyon mawili at bumalik balik ang mga turista.

Wala sa laki o liit ang isang lugar ang sukatan ng ikakalago ng isang hanapbuhay. Nasa tamang lokasyon, tamang konsepto, tamang pananaw, tamang pagpaplano,  tamang pangangasiwa at magandang pagtutulungan ng mag asawa ang ilan sa mahahalagang sangkap ng tagumpay ng isang hanapbuhay o negosyo. At napatunayang kaya nitong labanan ang pandemic. 

Kaya’t patuloy po tayong  mangarap. Dahil ang pangarap naman ay libre. Manalig tayo na ipagkakaloob ito ng Diyos sa atin kahit gaano kabigat ang mga hamon ng pandemic.

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.