Comelec: Voter registration itutuloy sa Hulyo 4

0
218

Magpapatuloy ang pagpaparehistro ng mga botante sa Hulyo 4, ayon sa Commission on Elections (Comelec) kahapon. 

Inaprubahan ng en banc ang pagpapatuloy ng voter registration na tatagal lamang hanggang Hulyo 23, ayon kay acting poll body spokesperson John Rex Laudiangco.

Ipinaliwanag niya na sa ilalim ng Republic Act 8189 (Continuing Voter’s Registration Act), ipinagbabawal ang pagpaparehistro ng botante sa loob ng 120 araw bago sumapit ang halalan.

Ang naaprubahang haba ng panahon ng pagpaparehistro ay pitong araw na mas maikli kaysa sa naunang panukala na i-hold ito hanggang Hulyo 30.

Dagdag pa ni Laudiangco, maraming post-registration activities at requirements na kailangang bigyan ng sapat na oras.

“Therefore, we only have July 24 to August 6 to post/publish names of voter registration applicants, set the Election Registration Board (ERB) hearings, subject registrants to database verification, conduct said ERB hearings, draft and approve the project of precincts and cluster established precincts as may be necessary. (These are) apart from petitions for inclusion or exclusions which will be filed with, heard and decided by MeTCs (Metropolitan Trial Courts) or MTCs (Municipal Trial Courts),” dagdag pa ni Laudiangco. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo