Byaheng Lucena-San Pablo vice versa naging mas mabilis, ligtas at mura

0
476

Muling nagsimula ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) Lucena-San Pablo inter-province commuter line noong HUnyo 25. Magpapagaan ito sa paglalakbay at sa paggalaw sa pagitan ng mga lalawigan ng Quezon, Laguna at sa kalaunan sa Bicol.

Siyempre, ito ay isang consistent na paraan ng transportasyon dahil lahat ng mga tren ay sumusunod sa iisang iskedyul at mas malamang na hindi maapektuhan ng mga outside factors katulad ng trapiko o mga insidente sa kalsada.

Bukod sa pinaikling oras ng byahe ay napakamura ng pamasahe sa tren.

Basahin ang mga oras ng byahe ng PNR San Pablo- Lucena Commuter line at ang presyo ng pamasahe.

Mula sa Lucena:

5:00 AM / 9:00AM / 1:30PM/ 5:30PM

Mula sa San Pablo:

7:00 AM/ 9:00 AM/3:30 PM/ 7:30 PM

May apat na biyahe ang tren sa maghapon at

tumitigil ito sa mga istasyon ng Lucena/ Sariaya/

Lutucan/ Candelaria/Tiaong/ San Pablo

Presyo ng pamasahe:

San Pablo – Tiaong (Lalig) 15.00

San Pablo- Candelaria, Php 25.00

San Pablo- Lutucan, Php 35.00

San Pablo – Sariaya, Php 40.00

San Pablo- Lucena, Php 50.00

At para sa Senior Citizens

San Pablo – Tiaong ( Lalig) Php 12.00

San Pablo- Candelaria, Php 20.00

San Pablo- Lutucan, Php 28.00

San Pablo – Sariaya, Php 32.00

San Pablo- Lucena, Php 40.00

Kung sasakay sa istasyon ng San Pablo ay sa loob ng tren magbabayad. Samantalang sa istasyon ng Lucena ay kailangang tumubos ng ticket sa kanilang ticket booth.

Ang San Pablo PR Station ay nasa dulong bahagi ng P. Alcantara St., sa may lugar na tinatawag na Bulante sa may palengke ng San Pablo City. Nasa Barangay 10, sa dulong timog ng sentro ng lungsod ang istasyon ng tren sa Lucena City.

Author profile
Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, DMD, FPFA, a distinguished Doctor of Dental Medicine, combines clinical excellence with a passion for community engagement. A graduate of Centro Escolar University in Manila, Dr. Sumague specializes in Orthodontics, Cosmetic Dentistry, and Craniocervical Craniosacral TMJ. His leadership is evident through his role as past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter and as a dedicated member of JCI 7 Lakes.

Beyond his dental practice, Dr. Sumague is a multifaceted individual. As a Fellow of the Pierre Fauchard Academy and a Professor at Centro Escolar University, he remains committed to advancing the field of dentistry. His ability to connect with audiences is showcased through his work as a social media influencer, radio DJ/anchor for J101.5 FM Big Radio, and former correspondent for Isyu Balita. He now contributes to Tutubi News Magazine, sharing his diverse perspectives with a wider audience.