Nalulunod na bata, iniligtas ng Cabuyao Maritime Police

0
646

Cabuyao City, Laguna. Nailigtas sa isang rescue operations ng mga tauhan ng Cabuyao Maritime Police Station (MPS) ang isang nalulunod na 11 anyos na bata.

Bandang alas-5:30 ng hapon noong Hunyo 23, 2022, naalerto ang mga tauhan ng Cabuyao MPS sa isang kaguluhan sa Lakewaters malapit sa Cabuyao City Fish Port, Brgy Marinig, sa nabanggit na lungsod at napag alaman na isang bata ang nalulunod at lumubog na sa tubig.

Agad na rumesponde ang mga maritime police na sina PSMS Cristopher D Sibugan kasama si Pat Romy Paltingca at nagsagawa ng rescue operation na nagresulta sa matagumpay na pagkakasagip sa biktima na kinilalang si John Lester Amaro, 11 taong gulang na residente ng Blck 23,lot 45 South Ville 1 Brgy Marinig, Cabuyao, Laguna .

Nilapatan ng mga pulis ng first aid (CPR) ang bata at isinugod sa pinakamalapit na ospital at sa kasalukuyan ay nasa estable ng kalagayan.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.