161 suspek, 42 druggies inaresto ng PNP sa Calabarzon sa loob ng isang linggo

0
180

Calamba City, Laguna. Pinasalamatan at pinuri ni Police Regional Office 4A Director Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang epektibong pagganap ng iba’t ibang operating units sa loob ng buong rehiyon. Kaugnay nito ay hinihimok niya ang bawat yunit ng pulisya na higit pang paigtingin at ipagpatuloy ang pagsasagawa ng anti-criminality operations upang maalis ang mga masasamang tao sa mga komunidad ng rehiyon.

Ayon sa report, ang PRO CALABARZON ay nakapagtala ng 94 police operations na na humantong sa pagkakaaresto ng 161 indibidwal mula Hunyo 25 hanggang 26, 2022.

Sa Arrest of Wanted Persons, sa ilalim ng OPLAN Pagtugis, naitala ng unit ang 18 indibidwal na naaresto, 11 dito ay nakalista bilang most wanted persons. Nanguna ang Quezon PPO sa pag-aresto sa 6 na indibidwal na may standing warrant of arrest. 

Sa nabanggit ding mga petsa, sa ilalim ng campaign against Illegal Drugs ay nakapagtala ang PRO4A ng 42 na naarestong drug personalities sa 40 police operations na isinagawa at nasamsam ang mahigit o kulang 32.19 gramo ng ilegal na droga na may tinatayang DDB Standard Value na ₱188,292.00. Batay sa mga tala, ang Cavite PPO ang may pinakamataas na bilang sa mga naaresto na may kabuuang 15 indibidwal na sinundan ng Rizal PPO na may 9 na indibidwal. Samantala, nangunguna naman sa tally ang Rizal PPO sa mga nasabat na droga na may kabuuang 17.90 gramo ng shabu na may tinatayang DDB Standard Value na ₱121,720.00 kasunod ang Laguna PPO na may 4.51 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱30,668.00.

“Let us continue our hard work and extend our efforts to its limits in this war against criminality and lawlessness. I congratulate the personnel behind these accomplishments for a job well done. Let this endeavor benefit the future generation, as we continue to strive in attaining a drug-free and safe CALABARZON. I encourage the communities and other government units to continue its support to their police,” ayon kay Yarra.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.