Vic Amante, nanumpa sa tungkulin bilang ika-12 halal na mayor ng San Pablo City

0
555

San Pablo City, Laguna. Umupo si Mayor Vicente B. Amante bilang ika-12 halal na alkade ng lungsod na ito matapos manumpa sa tungkulin sa makasaysayang Old Capitol Building kaninang umaga.

Si Amante ay nanumpa sa harap ng Presiding Judge ng RTC Branch 32 na si Judge Ronaldo Tugonon, at minarkahan ang kanyang pagbabalik sa kapangyarihan matapos ang siyam na taong administrasyon ng kanyang anak na si dating mayor Loreto ‘Amben’ Amante na ngayon ay Congressman na ng Laguna 3rd Distrcit. 

Kabilang sa mga panauhing na dumalo sa inagurasyon ay ang mga miyembro ng pamilya Amante kabilang ang Unang Ginang Gem Castillo, at mga anak kabilang ang bagong city administrator na si Larry Amante. Dumalo rin ang matatalik na kaibigan na sina Dr. Nora A. Torres ng Yazaki Torres at Sara Manilay, presidente ng Golden State Little College San Pablo.

Dumalo rin sa event ang running mate ni Amante na si Vice Mayor Justin Colago at mga halal na konsehal sa pangunguna ni City Councilor Carmela Acebedo.

Bago ang kanyang inagurasyon, inilipat muna ni Congressman Amben Amante ang kapangyarihan sa kanyang ama sa simbolikong pagpapasa ng watawat ng San Pablo City.

Nauna dito ay isang misa ang inialay ni Msgr. Jerry V. Bitoon.

“Makakaasa po ang mga mahal kong kababayan na gagawin ko ang lahat upang mapaglingkuran kayo. Ipagpapatuloy at pag iibayuhin po natin ang Serbisyong Amante,” ayon sa mensahe ng muling umupong alkalde.

Kabilang sa mga programang binanggit ni Amante na bibigyan ng prayoridad ang food security, health at public welfare services.

Si Amante ay nahalal na mayor ng nabanggit na lungsod noong 1992 hanggang 20021 at 2004 hanggang 2013.

Ang simbolikong paglilipat ng kapangyarihan bilang alkalde ng San Pablo City. Photo credits: Dash Barleta
Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.