Secretary ng barangay timbog sa isang drug buy-bust operations

0
176

Calauan, Laguna. Arestado ang isang barangay secretary ng San Pablo City matapos mahulog sa isang drug buy-bust operations na ikinasa ng Drug Enforcement Team ng Calauan Municipal Police Station sa Brgy. Mabacan sa nabanggit na bayan kahapon.

Ayon sa Laguna Police Acting Provincial Director, Police Colonel Cecilio R. Ison Jr. kay CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Antonio C. Yarra, kinilala ang nadakip na si Rosalinda Resurreccion y Berdos, babae, 52 anyos, at barangay secretary ng Brgy. VI-A, San Pablo City.

Nakumpiska kay Berdos ang tatlong (3) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 0.23 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php1,500.00.

Ang naarestong suspek ay nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, at ang mga nakuhang ebidensya ay isusumite sa Crime Laboratory Office para sa forensic examination.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.