Akusado sa 5 kaso ng rape, arestado

0
488

Macalelon, Quezon. Arestado ang isang akusado sa limang kaso ng rape sa bayang ito sa ilalim ng isang manhunt operations na ikinasa ng Macalelon Municipal Police Station, San Pablo City Police Station at 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company kasama ang mga kaukulang pangkat ng PNP ng Quezon at Laguna sa Brgy. Malabahay, Macalelon, Quezon.

Kinilala ni PCOL Joel A. Villanueva, provincial director ng Quezon Provincial Police Office, ang nadakip na si Dario De Mesa y Revilla, 40 anyos, at residente ng nabanggit na barangay sa Macalelon, Quezon. Ang akusado ay rank 1 sa listahan ng most wanted persons sa Nabanggit na lalawigan.

Batay sa naitalang imbestigasyon, ang krimeng kinasasangkutan ni De Mesa ay naganap noong Nobyembre sa Brgy Sta. Ana, San Pablo, City na kung saan sekwal na pinagsamantalahan ng akusado ang isang biktima.

Si De Mesa ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na iniisyu ni Judge Kudivina Padolina ng RTC Branch 32 sa San PAblo City. 

Kasalukuyang nakakulong sa Macalelon custodial facility ang inaresto habang inihahanda ang mga proseso at dokumentasyon sa paglilitis.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.