Shinzo Abe, dating prime minister ng Japan hinihinalang binaril

0
295

Tokyo. Bumagsak at hinihinalang binaril ang dating Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe sa isang campaign speech sa kanlurang Japan, ayon sa pampublikong telebisyon ng NHK noong Biyernes.

Sinabi ng NHK na isinugod si Abe sa isang ospital.

Ayon sa report ng mga saksi, nakarinig ng mga putok ng baril sa malinaw na pag-atake sa Nara. Nakatayo siya habang nagtatalumpati sa kampanya sa halalan bago sumapit ang eleksyon sa Linggo para sa parliament upper house.

Ayon pa rin sa NHK, si Abe ay nakitang duguan at ayon sa mga reporter na nasa site ay “nakarinig sila ng tila putok ng baril.”

Ito ay isang umuunlad na balita.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.