5 dating pulis, hinatulan ng reclusion perpetua dahil sa kasong kidnapping

0
275

Hinatulan ng Makati Regional Trial Court (RTC) ng reclusion perpetua ang limang pulis ng Pasay City dahil sa pagkidnap sa isang umano’y drug suspect at paghingi ng ransom na PHP100,000, sa isang kaso na tatlong taon na ang nakakaraan.

Ang 51-pahinang desisyon ng Makati RTC Branch 148 na inilabas noong Biyernes ay nagpataw ng sentensiya ng pagkakulong na 20 taon hanggang 40 taon kay Insp. Ronaldo Frades, S/Sgt. Rigor Octaviano, PO1 Anthony Fernandez, PO1 John Mark Cruz, at PO2 Sajid Nasser.

Ang lima, na kasama ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay at hindi nakasuot ng uniporme sa oras ng insidente, ay dinukot si Jorge Revilla noong umaga ng Marso 5, 2019 sa kahabaan ng Bautista Street sa Makati City.

Dinala si Revilla sa opisina ng Pasay SDEU at, kinagabihan, pinayagang makipag-video call sa kanyang partner at hiniling na magbigay ng PHP100,000 para sa kanyang paglaya.

Humingi ng tulong ang partner sa Philippine National Police Counter-Intelligence Task Force (CITF) sa Camp Crame, na nag-organisa ng entrapment operation.

“(I)n asserting alibi, all accused nonetheless failed to present evidence to suggest that they were of such distance from the place of the commission of the offense that it would have been impossible for them to have participated therein,” read the decision, which also noted that the witnesses’ testimonies were “credible” and “consistent in all material respects.”

Bukod sa hatol na pagkakulong, iniutos ng Makati court sa mga akusado na ibalik sa CITF ang PHP100,000 na ginamit bilang boodle money at bayaran ang biktima ng PHP50,000.

Hindi naitala sa police blotter ang pagkakaaresto at wala pang rekord na nasangkot na kaso sa droga ang suspek na dinukot.

Ang insidente ay humantong sa pagkakasibak sa buong anti-drug enforcement unit ng Pasay City Police, pagtanggal kay noon ay hepe na si Col. Noel Flores, at pagkakatanggal sa serbisyo ng limang akusado dahil sa robbery, graft, at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.