Abalos: Wala pang desisyon sa unang PNP chief ni PBBM

0
334

Patuloy ang proseso ng pagpili para sa unang hepe ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pinabulaanan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos noong Linggo ang mga ulat na si deputy chief for administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia ang pinangalanang susunod na PNP chief.

“This is not true and the matter is being discussed,” ayon sa pahayag ni Abalos sa Philippine News Agency sa isang phone interview.

Kung susundin ang rule of succession, ang isa pang contender bukod kay Sermonia, ang No. 2 in command ng PNP, ay si Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na kasalukuyang deputy chief for operations.

Si Danao ang naging officer-in-charge ng 225,000-strong police force mula noong nagretiro si Gen. Dionardo Carlos noong Mayo 6.

Si Sermonia ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1989, ay nakatakdang bumaba sa puwesto sa Enero 2024 sa pagsapit ng mandatory retirement age na 56 habang si Danao, ng Class of 1991, ay may isang taon pa sa serbisyo bago siya magretiro sa Agosto 2023.

Ang iba pang long shot para sa PNP top post ay sina Lt. Gen. Rodolfo Azurin Jr., Area Police Command-Northern Luzon chief; Maj. Gen. Valeriano De Leon, direktor para sa mga operasyon; Maj. Gen Felipe Natividad, hepe ng National Capital Regional Police Office; at Brig. Gen. Benjamin Acorda Jr., direktor ng Police Regional Office-Northern Mindanao.

Sina Azurin at De Leon ay kabilang sa PMA Class of 1989 at mayroong isang taon sa serbisyo; Si Natividad ay miyembro ng Class of 1990; at si Acorda ay nagtapos sa PMA noong 1991. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.