PhP 212K na halaga ng shabu hinarang ng Rizal PNP sa checkpoint

0
459

Angono, Rizal. Arestado ang dalawang drug suspect sa isinagawang Checkpoint Operation “Oplan Sita” ng Angono Municipal Police Station (MPS) sa kahabaan ng Manila East Road, Brgy. San Roque, sa nabanggit na bayan na nagresulta sa ang pagkakaaresto sa dalawang drug suspects na sina, Prince Noblejas y De León, 22 anyos at Rayven Ramirez y Vocalan, 24 anyos.

Nakumpiska sa kanila ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 25 gramo at may standard value na Dangerous Drug Board na Php 212, 500.

Batay sa ulat na isinumite ng arresting officer, sa pagsasagawa ng OPLAN SITA, na-flag down ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo dahil sa paglabag sa RA 4136 o ang Land Transportation and Traffic code dahil sa hindi pagpapakita ng valid license ID. Pagkatapos ay hiniling ng arresting officer na magpakita ang back rider ng anumang valid ID at sa pagbukas ng belt bag ay nasilip ng opisyal ang pakete na naglalaman ng puting substance ng hinihinalang shabu kaya agad na inaresto ang dalawa. 

Ang mga suspek at ang mga nasamsam na mga  ebidensya ay dinala sa Rizal Provincial Hospital Annex para sa kaukulang laboratoryo at drug test examinations bago ipinasa sa Angono MPS. 

Kasalukuyang inihahanda na ngayon ang mga kaukulang dokumento para sampahan sila ng kasong Paglabag sa Sec 5 at 11 Article II ng RA 9165.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.