Php2.7M n shabu nakumpiska sa Rizal

0
295

Binangonan, Rizal. Nasamsam ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit ng Rizal ang malaking bulto ng hinihinalang shabu at nadakip ang isang high value drug suspect sa Aragon Compound, Upper Left Kasinay, Brgy. Darangan sa bayang ito kanina.

Kinilala ni Regional Director ng Police Regional Offce 4A, Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang inaresto na si Edmar Rex y Nieto alyas “Bok”, 33 anyos na residente ng nabanggit na lugar. Nahalughog sa kanya ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php2,699,600.00.

Ang drug suspect na nadakip sa ilalim ng Oplan Pabili Nga Po ay dinala sa Binangonan Municipal Police Station samantalang isinulit naman sa Rizal Provincial Forensic Unit ang nasamsam na droga at mga ebidensya upang isailalim sa laboratory examinations.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nadakip.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.