PH Consulate: 18-anyos na turistang Cebuano binugbog sa Manhattan

0
172

Binugbog ang isang turista mula sa Cebu malapit sa Philippine Center sa Manhattan, ayon sa ulat ng Philippine Consulate General sa New York kanina.

Ayon kay Consul General Elmer Cato, naglalakad ang 18-anyos na Pinoy kasama ang tatlo pa malapit sa kanto ng 6th Avenue at 46th Street noong Miyerkules ng siya ay inatake.

Nagtamo siya ng “facial injuries” mula sa pananakit habang ang suspek ay “nakorner at nai-turn over” sa mga awtoridad.

“In view of this incident, the Consulate reminds members of the Filipino Community, as well as kababayan (countrymen) visiting New York to exercise the necessary precautions while on the streets or in the subways,” ayon kay Cato.

Ito na ang ika-41 na insidente mula noong nakaraang taon na kinasangkutan ng isang Pilipinong biktima ng hate crime o isang criminal act. Karamihan sa mga insidenteng ito ay nangyari sa New York.

“Ang Konsulado ay nakikipag-ugnayan sa New York City Police Department upang makakuha ng karagdagang impormasyon sa insidente. Hindi alam sa n ito ngayon kung ang insidente ay anti-Asian-hate-related,” dagdag niya. (PNA)

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.