DepEd: Hindi kailangan ng uniporme para sa darating na pasukan

0
585

Hindi kinakailangang magsuot ng uniporme sa paaralan ng mga mag aaral sa darating na pasukan, ayon sa Department of Education (DepEd) kanina.

Sa isang mensahe sa Viber, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte na ito ay upang mapagaan ang pinansiyal na pasanin sa mga magulang ng mga mag-aaral.

Sinabi niya na ang pagsusuot ng uniporme sa paaralan ay hindi kinakailangan sa panahon ng pre-pandemic, na isinasaad sa DepEd Order (DO) No. 065, s. 2010.

Iginiit ni Duterte na mas magiging maunawain ang DepEd dito habang patuloy na kinakaharap ng bansa ang coronavirus pandemic gayundin ang inflationary pressure.

Samantala, pinanindigan ni Duterte ang kanyang na itutuloy ang pagbubukas ng mga klase sa Agosto 22, kung saan ay may opsyon ang mga pampubliko at pribadong paaralan na magsagawa ng limang araw na in-person classes, blended modality, o distance learning.

Gayunpaman, ang mga paaralan sa buong bansa ay mayroon lamang hanggang Oktubre 31 upang maghanda para sa mandatoryong harapang klase na magsisimula sa Nobyembre 2.

Nauna dito, sinabi ni Duterte na ang mandatoryong face-to-face classes ay naglalayong tugunan ang learning loss na natamo sa panahon ng pandemic distance learning setup. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.