DTI Laguna nagsagawa ng webinar sa Rise-Up Multi Purpose Loan Program

0
252

San Pedro City, Laguna. Nagsagawa ng Zoom webinar na Rise-Up Multi-Purpose Loan Program ang Department of Trade and Industry-Laguna Provincial Office (DTI-Laguna), sa pamamagitan ng Negosyo Center nito sa San Pedro City at sa pakikipagtulungan ng Small Business Corporation (SBCorp).

Ang Rise-Up ay isang programa sa pautang na naglalayong mapanatili ang mga pakinabang ng mga microentrepreneur na nakaligtas sa nakalipas na dalawang taon ng krisis, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga multi-purpose na pautang na may soft terms at madaling ma-access. Nagbibigay ito ng serbisyo sa mga multi-sectoral micro, small, and medium enterprises (MSMEs) kabilang ang mga umiiral nang borrower ng SBCorp.

Sa ginanap na webinar ay natulungan ang mga kasalukuyang MSME na maunawaan ang mga pangunahing pangangailangan at maging pamilyar sa pamamaraan ng online application. Dinaluhan ito ng mga umiiral at potensyal na MSME sa San Pedro City, Laguna, at mga MSME sa mga kalapit na lungsod at munisipalidad. Naging resource speaker dito si SBCorp Laguna P3 Coordinator Rona Angulo.

Kaugnay nito ay nagbigay ng updates si DTI Negosyo Center San Pedro Business Counselor Onyx Lim sa mga papa

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.