Php 374K na halaga ng shabu nasabat sa Laguna

0
376

San Pablo City, Laguna. Arestado ang isang high value individual (HVI) sa lungsod na ito at nakuha sa kanya ang halagang Php 74,000 ng hinihinalang shabu sa ilalim ng drug buy-bust operations na ikinasa ng San Pablo City Police Station kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Cecilio R. Ison Jr. Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office ang HVI drug suspect na si Mark Aljon Sadsad Diola, 29 anyos na fruit vendor, at residente ng Brgy Sta. Catalina Sur, Candelaria, Quezon.

Inaresto ang suspek sa Brgy Concepcion, San Pablo City, Laguna ng mga tauhan ng San Pablo City Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Chief of Police Lt. Colonel Joewie B Lucas sa pakikipagtulungan sa Philippine Drugs Enforcement Agency PRO4A (PDEA).

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa kalakalan ng iligal na droga sa sa nabanggit na barangay at mga karatig na lugar.

agad namang nagplano ang mga operatiba ng San Pablo CPS ng strategic anti-illegal drugs buy bust operation na nagresulta sa pagka aresto sa suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa San Pablo CPS at at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ang mga nasabat na ebidensya ay isusumite sa Laguna Provincial Forensic Unit upang isailalim sa forensic examination.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.