VP Sara: Binigyan ng 1 taon ang DepEd para i-assess ang K-12 program

0
204

Binigyan ng isang taon ang Department of Education (DepEd) para suriin ang Kinder to Grade 12 (K-12) program, ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte kahapon.

Sa post-State of the Nation Address (SONA) forum, sinabi ni Duterte na ibinigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang timeline sa ikalawang pulong ng Gabinete noong Hulyo 19.

“Binigyan tayo ni Pangulong Marcos ng isang taon ngayong school year, ang school year 2022-2023, para magbigay ng pinal na sagot tungkol sa ating K-12 program dito sa bansa,” ayon kay Duterte.

Sinabi niya iaangkop nila ang Basic Education Development Plan ng nakaraang administrasyon habang tinatapos ng ahensya ang pagsusuri nito sa K-12 program, at idinagdag na ang pagtatasa sa programa ng Senior High School ay gagawin sa ilalim ng kanyang pagbabantay.

Sinabi rin ni Duterte na nakikipag-ugnayan siya sa Department of Labor and Employment para mapabuti ang balangkas ng kasanayan sa Pilipinas.

Nauna rito, nagpahayag si Marcos ng suporta para sa isang curriculum review para matugunan ang mga mahahalagang isyu gaya ng job mismatch. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.